5 / 5 · @mary-christine...
Isang icon ang Black Opium ng o. Simula noong 1977 hanggang ngayon, hindi bumaba ang demand sa kanya ng mga kababaihan. Isa siya sa Top 5 na kilalang pabango sa buong mundo, halintulad ng No. 5 ni Coco. Dahil sa success ng orihinal na Black Opium, apat na versions na ang pwede mong pagpilian. Illicit Green, Over Red, The Original, at Le Parfum. Para sa review ng pabango, pinili ko ang pinaka-instense sa lahat ng mga bago: ang Black Opium Le Parfum. Top Notes: Pear, Green Mandarin, Cinnamon Heart Notes: Jasmine Sambac, Orange Blossom, Solar Notes Base Notes: Vanilla Quartet (including Bourbon Vanilla, Madagascar Vanilla, Vanilla Absolute), Coffee Accord, Amber, Indonesian Patchouli Magaan ang uplift ng Le Parfum. Naamoy ko ang pear na suabeng nagtungo sa green mandarin accord. Nung nasa cinammon na ako dun ko lang narealize yung spiciness na kanina ko pa ine-expect na maamoy sa pabangong ito. So hindi siya mabigat sa unang hagod—very opposite. Very light! Ah, pero pagkatapos nun parang rollercoaster ride na ang nangyari sa ilong ko. Excuse me, luxury rollercoaster ride. Smooth ang mix but still— Yung cinammon tinabihan ni Jasmine Sambac at hindi na ako pinakawalan habang nakatingin sa alapaap si orange blossom at solar notes na halatang nag-eenjoy. Sa sobrang bilis ng tawid nahirapan ako maamoy ang Vanilla quartet. Sobrang gentle ng labas, at iba ang ine-expect ko sa kanya. Mas nameet ang expectations ko nung lumalim ang mga nota sa accord ng kape, indonesian patchouli at amber. Yung kape kaya accord kasi gusto ni perfumer na parang coffee drink yung naamoy mo. Hindi yun nakukuha diretso sa totoong kape kaya kelangan gumawa ng accord.



















